Wednesday, October 21, 2009

Mark Caguioa bumalik ang injury!

by: Snow Badua
Masama pong balita para sa mga barangay ginebra fans...
Bukod kay Eric Menk may isa pang integral ginebra player ang malamang ma-sideline ng ilang laro.
Hold your breath, ito ay walang iba kungdi si superstar Mark Caguioa.
Sa isang text message na ipinaabot sa nbn sports ni Ginebra mentor Jong Uichico muli umanong nanakit ang kanang tuhod ni Caguioa sa kanilang laro kontra Purefoods nuong linggo.
Ang injury na ito ay magugunitang naging snahi kung bakit mahigit isang taong nawala sa aksyon ang ginebra scoring champion.
Sa ngayon ay binibigyan umano ng isang buong linggong pahinga ng gins si the spark at mula duon ay saka nila ma-a-asses ang lagay ng tuhod nito.

Wala pang masegurong sagot si Uichico maliban sa katotohanang hindi nila papalaruin si caguioa ng isnag buong linggo mula ngayon.
Ibig sabihin niyan, wala si Caguioa sa laro ng ginebra kontra Smart Gilas sa biyernes at kontra Alaska Aces sa linggo.
Samantala, hindi pa rin masagot ni uichico kung i a activate pa nila mula sa reserve list si big man acquisition Paolo Bugia.
Tinatantya pa muna umano nila ang injury ni Menk bago nila bigyan ng call slip ang dating Purefoods Tender Juicy Giants.

- Hindi lang si Bagyong PEPENG ang bumalik pati ang Injury ni MC bumalik din! tsk tsk tsk...

No comments:

Post a Comment